-Kabihasnan ng Mesopotamia-
-sibilisasyon
-mahina
ang pag-unlad
-Matatagpuan
sa Timog-kanluran
Ang
Mesopotamia ay pinapapalibutan ng dalawang ilog; Ang ilog Tigris at Euphrates
|
"Ilog
Tigris"
|
"Ilog
Euphrates"
|
|
-Ang Mga Unang Imperyo-
"Akkadian"
"Sargon the Great"
-Humina
ang kakayahan nilang pangalagaan ang kanilang mga teritoryo dulot ng madalas na
pakikidigma ng mga lungsod-estado ng Sumer sa isa't isa.
-Nagtagal
ang imperyo ng mahigit 200 taon.
"BABYLONIAN"
-Isang
panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia sa pagsapit ng
2000 BCE.
|
-Sila
ang Amorites na
nagtatag ng kabisera sa Babylon(pintuan ng langit).
|
"ASSYRIAN"
-Sinakop
ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia,Egypt, at Anatolia sa loob ng 850
hanggang 650 BCE.
-Nag-alsa
ang kanilang sinasakupang mamayan dulot na rin ng kanilang kalupitan kaya ang
imperyo ng mga Assyrian ay hindi rin nagtagal.
-Tuluyan
nang nagwakas ang imperyo ng mga Assyrian nang talunin ito ng puwersa ng mga Chaldean sa pagsapit ng 612 BCE.
"CHALDEAN"
-Itinatag
ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon sa
pagkatalo ng mga Assyrian.
-Pinagawa
ni Nebuchadnezzar (Hari ng Chaldean) dahil sa kanyang
ipinagawa niyang Hanging Gardens na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the World.
-Kabihasnan sa Egypt-
Mga
Lokasyon sa/ng Egypt
-napapalibutan
ng mga disyerto.
-Silangan
- Disyerto ng Sinai
-Timog
- Disyerto ng Nubia
-Kanluran
- Disyerto ng Sahara
Noong
unang panahon ang kalendaryo ng mga taga Ehipto ay nakabase sa Bituin ng Sirius.
-Bituin ng Sirius-
May
mga iba't ibang mga Paraon ang mga taga Egypt noon ang Paraon ay tinatawag din na "Oinuno" na itinuturing din
na kanilang Diyos na bumaba galing sa langit.
"MENES"
-Namumuno
noong 3100 BC.
-Itinatag
niya ang kabisera ng Memphis.
-Itinaguyod
ang unang dinastiya sa Egypt.
Noong
2600 na taon nagkaroon ng 31 dinastiya kaya hinati ito sa Lumang
Kaharian,Gitnang Kaharian at Bagong Kaharian.
"Piramide"
-Ang
piramide ay isang lugar na mga libingan ng mga Paraon.
-Ang
unang Piramide ay ang Piramide ni Djoser na bai-baitang disenyo na matatagpuan sa Saqqara.
-Gitnang Kaharian-
-Tinatawag
din na "Panahon ng Maharlika"
"MENTUHOTEP"
-Pinalakas
niya ang sentrlisadong pamahalaan at kalakalan.
-Nakipag-ugnay
ang Ehipsiyo sa Syrian(cypress,lapis,Lazuli atbp).
-Bagong Kaharian-
(Panahon ng Imperyo)
"AHMOSE I"
-Nagpatalsik
sa mga Hykus.
-Sinakop
niya ang Nubia at Canaan.
"REYNA HATSHEPSUT"
-Unang
babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 na
taon.
"THUTMOSE III"
-Humalili
kay Reyna Hatshepsut.
-Sinakop ang Ehipsiyo
hanggang Ilog Euphrates sa silangan at hanggang sa Timog ng Nubia.
"TUTANKHAMUN"
-Ang
pinakabatang Paraon.
-Ang
kanyang pagkamatay ay isang malaking misteryo hanggang ngayon.
-Ang
hawak niya sa kaliwa ay tinatawag na "Crook" sa kanan naman ay
"Flail"
-RELIHIYON-
-mahigit
2000 ang mga diyos ng mga taga Ehipto.
|
Isis-Diyosa ng mga ina at asawa
|
|
Horus-Diyos ng Liwanag
|
-Naniniwala
sila na kapag patay na hinuhusga ka kung saan ka mapupunta sa; Mangangain ng kaluluwa o sa Paraiso.
"HIEROGLYPHICS"
-Ang
sistema ng kanilang pagsusulat-
"Papyrus Reeds"
-Papyrus
Reeds ay ginagamit nila bilang papel.
"AGHAN AT TEKNOLOHIYA"
-Heometriya-
-Ginagamit
nila ito upang sukatin ang kanilang mga lupain at sa pagbibilang ng buwis at
iba't iba pang mga produkto.
-Kabihasnan sa India-
Heograpiya: Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng India
sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus. Sa hilaga
ng lambak-ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush,Karakoram,at
Himalaya na pinagmumulan ng tubig ng ilog.Panagigitnaan naman ng Disyerto ng
That sa silangan at ng mga bulubundukin ng Sulayman at Kirthar sa kanluran ang
matatabang kupain na pinamahayan ng mga tao.
"Pananalampalataya ng mga Aryano"
-Tampok
na pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Sa
simula,magkataliwas o magkaiba ang paniniwalang diyos ng mga Aryano at ng
kanilang mga nasasakupang Drabidyano.
-Hinduismo
ang kanilang pananampalataya.
"Ang Buddhismo"
-Si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya ng naghari sa Kapilavastu na matatagpuan sa kasulukuyang Nepal ay ang
nagturo ng Buddhismo sa India.
"Imperyong Maurya"
-Noong
321 BCE,kinilala bilang hari ng Magadha(sa hilagang India) si Chandragupta
Maurya. Siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na
naghahari noon sa Magadha. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, pinalaki niya ang
sakop ng kaharian at itinatag ang imperyonh Maurya. Pagsapit ng 303 BCE, nasakop
na ng imperyo ang kabuuan ng hilagang India.
"Imperyo ng Gupta"
-Makalipas
ang 500 taong kaguluhan at digmaan,mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno
sa kaharian ng Magadha. Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyonh Gupta
noong 320 CE.
-Mula
kay Chandra Gupta at sa mga humaliling hari pagkatapos niya,nakaranas ang
imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.Muling tumatag ang pamahalaan
at lumawak pa ang teritoryo ng imperyo.Sinasabing sa panahon ng imperyong
Gupta,nakaranas ang India ng isang ginintuang panahon sa matematika,agham at
panitikan.
-Kabihasnan ng China-
"Mga Unang Dinastiya"
Dinastiyang Hsia: Ayong sa tradisyonal na kasaysayan ng
China, pinag-isa ng dinastiyang Hsia ang mga pamayanan sa paligid ng Huang Ho.
Ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko.
|
Yu
|
-Sa
pamumuno ni Yu, nagsagawa ang mga Tsino ng mga proyektong
pang-irigasyon na hahadlang sa mapaminsalang pagbaha ng ilog.
Dinastiyang Shang: Pumalit sa dinastiyang Hsia ang dinastiyang
Shang noong 1500 BCE. Ang tatlong pangunahing katangian ng paghahari ng mga
Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat,kaalaman sa paggamit ng bronse, at ang
pag-aantas sa lipunan.
-May sistema ng
pagsusulat ang dinastiyang ito subalit itinatala sa mga piraso ng kawayan kaya
hindi nagtagal. Ang tanging ebidensiya ng kanilang sistema ng pagsulat ay mila
sa Oracle bones.
|
Shang
|
Dinastiyang Zhou: Napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang Shang
bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala at ipinagpatuloy nila ang konsepto
ng Tian Ming o "mandato ng langit" na ang hari ang kinikilalang
kinatawan ng langit sa mundo noong taong 1027 BCE.
Dinastiyang Qin: Ang dinastiyang Qin na pumalit sa dinastiyang Zhou ang nagtagumpay sa
kanilang digmaan. Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador.
-Iba Pang Kabihasnan sa Asya-
-Umabot
ang mga ito sa rurok ng kapangyarihan bilang mga sentro ng pamamahala at
kalakalan ang mga kabihasnan ng mga Hitito,Phoeneciano at Persyano.
"Ang mga Hitito"
-Nagmula
sa mga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. Noong 1650 BCE,nabuo ang
imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass. Sa
loob ng 450 taon, naging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya.
-Dalawa
ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito, una na rito ay ang paggamit nila
sa mabibilis na chariot at ang ikalawa ay ang kanilang kaalaman sa pagpapanday
ng bakal upang gawing mga espada atbp.
"Ang mga Phoeniciano"
-Ang
mga Phoeniciano ay kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko na nananahanan sa
mauunlad na lungsod-estado sa may baybaying ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay
silang manggagawa ng barko,manlalayag at mangangalakal na nagtatag ng mga
estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon,Tyre,Beirut, at Byblos.
"Ang mga Persyano"
-Nagmula
ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang
Iran. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano.
|
Cyrus
the Great
-Sa ilalim ni Cyrus the Great, lumawak ang imperyo ng Persia mula sa lambak-ilog ng Indus hanggang baybayin ng Dagat Aegean. Sa taong 525 BCE,nagtagumpay na nalupig ng tagapagmana ni Cyrus na si Cambyses II ang mga kaharian ng Egypt, Libya sa Africa. |
-Ang mga Kabihasnan sa America-
-Matatagpuan ang mga
kontinente ng North America at South America sa pagitan ng dalawang malalawak
na karagatan, Ang Karagatang Pasipiko at Karagatang Atlantiko.
-Ang
mga pinuno nila ay nagpatayo ng mga templo na hugis piramide at sa tuktok ng
mga templong ito nagaganap ang mga seremonyang panrelihiyon.
"Ang mga Olmec"
-Tinatawag
na Olmec o mga taong goma ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng
Golpo ng Mexico noong 1200 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang
base culture ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nilikhang
kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasnan.
"Ang mga Teotihuacano"
-Matatagpuan
sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos" o Teotihuacan.
Ang Teotihuacan ay kinilala bilang unang lungsod sa America mula 100 CE, ang
lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka,artisano,arkitekto, at musikero.
-Mapayapa
ang pamumuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro lamang sa pagsasaka,kalakalan
at relihiyon.
-
|
Quetzalcoatl
-Sinasamba si Quetzalcoatl o ang tinaguriang Feathered Serpent ng mga Teotihuacano. -Ayon sa mga paniniwala ng mga Teotihuacano si Quetzalcoat ang nagbigay sa tao ng kaalaman sa pagsasaka,pagsulat,paglikha ng kalendayo,paggawa ng mga likhang-sining, at paggawa ng mga batas. |
"Ang mga Mayan"
-Nagsimulang
sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo
ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga diyos. Mula ritoo, lumaki ang
mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng Tikal,Copan,Uxmal, at Chichen Itza
na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America.
-Nahahati
sa apat na antas ang lipunan ng mga Mayan. Nasa pinakamataas na antas ng
lipunan ang mga maharlika na namamahala sa mga mamayan ng lungsod.
"Halach Uinic"
-Ang Halach Uinic ay ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng
hukbo.
"Ang mga Aztec"
-Nagmula
sa hilagang Mexico ang nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica.
-Noong
1200,nagsilbi ang mga Aztec bilang mga sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa
lambak ng Mexico.
-Noong
1325, nang maitatag ng mga Aztec ang kanilang kabisera sa
Tenochtitlan,unti-unti nilang sinakop ang mga kalapit na kaharian.
-Sa
pagsapit ng ika-15 siglo,ganap nang napasailalim sa imperyong Aztec ang kabuuan
nang napasailalim na imperyong Aztec , ang kabuuan ng gitnang Mexico, mula
DAgat Caribbean hanggang Karagatang Pasipiko.
"Ang mga Inca"
-Nagsimula
sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco ang mga Inca.
-Sa
pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo
sila ng isang imperyo na ang pangngalan ay Tahuantinsuya(Land
of the Four Quarters) ang itinawag ni Pachacuti Inca ang imperyo na ito.
-Kabihasnan sa Africa-
-Maliban sa Egypt, may
mga sumibol pang kultura at kabihasnan sa Africa. Isa sa mga sinaunang kultura
ay ang mga taong Nok na nanirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang
200 CE.
|
Nok
-Ang
mga Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal
sa bahaging iyon ng Africa. Lumikha rin sila ng mga kasangkapan gamit ang
luad,kahoy at mga bato.
|
"Ang mga Kushite"
-Sa
katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinangharian sila
ng mga Ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo BCE.
-Unti-unti
nilang nakamit ang kanilang kalayaan mula sa Ehipsiyo..
-Pinalakas
pa nila ang kanilang hukbo kaya nasakop nila ang Egypt noong 751 BCE.
-Tinalo
sila ng mga Assyrian kaya naging maikli lamang ang natamasang tagumpay ng
imperyo ng Kush.
"Ang mga Aksumite"
-Tinawag
na Cosmopolitan ang kanilang kultura sanhi ng kanilang
pakikipag-ugnayan at pagiging bukas sa impluwensiya ng mga dayuhan.
-Ang
pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at
ni Haring Solomon ng Israel , ayon sa alamat.
-Sa
larangan ng pagsasaka ay nagpakita rin sila ng kahusayan.
"Ang mga Imperyong Pangkalakalan"
Ang
kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa. Sa
pamamagitan ng pakikipagkalakalan, lumago ang mga pamayanan sa africa na naging
mga imperyo. Ito rin ang nagsilbing paraan upang ikalat ang
relihiyon,sining,edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.
"Ang Ghana"
-Ang
mga mamayanan ng Ghana ay tinatawag na Soninke.
"Soninke"
-Ang
pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ay ang pagsasaka at pagpapanday.
-Lumago
sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang
sangandaan ng kalakalan sa Africa.
"Ang Mali"
-Tapmg
1235 nang lumitaw ang kaharian ng Mali mula sa anino ng Ghana.
"Sundiata"
-Ang
unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata.
-Sa
pamamagitan ng digmaan, nasakp niya ang kaharian ng Ghana at mga lungsod ng
Kumbi at Walat.
-Pinatunayan
niya na hindi lamang siya mahusay sa digmaan kundi pati na rin sa pamamahala.
"Mansa Musa"
-Isa
pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali.
-Katulad
din siya ni Sundiata , naging mahusay siya sa pamamahala at
pananakop.
-Hinati
niya ang sa mga lalawigan ang imperyo upang mapamahalaan nang maayos ang
kaniyang nasasakupan.
"Ang Songhai"
-Pagsapit
ng ika-14 na siglo , isang pangkat ng mga tao ang humiwalay sa imperyo ng Mali.
"Songhai"
(mga
tao)
-Sila
ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo.
-Ang
isang pangkat na humiwalay sa imperyo ng Mali.
-Nagpalawak
ng teritoryo at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang
pangkalakalan.
"Sunni Ali"
-Taglay
niya ang kaalamang militar at agresibong pamumuno.
-Bumuo
ng isang hukbo na may mga barkong pandigma at mga sundalong kabayuhan.
-Nang
namatay si Sunni Ali noong 1492 humalili bilang pinuno ang kanyang anak.
"Ang mga Hausa"
-Ang
mga Hausa ay dating sakp ng mga Songhai.-Nakamit lamang nila ang kanilang
kasarinlan nang humina ang imperyo ng Songhai.
-Ang
kabuhayan ng mga Hausa ay pagsasaka,paghahayupan at paghahabi.
-Nakinabang
din sila sa pagsuply ng mga pangangailangan ng mga caravan tulad ng mga
pagkain,tela at alipin.
"Ang Benin"
-Itinayo
ang kaharian ng Benin sa pampang Ilog Niger,
-Noong
ika-15 siglo,lumaki ang sakp ng kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare.
-Kabihasnan sa Pasipiko-
"Polynesia"
-Ang
rehiyon ng Polynesia ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang
Pasipiko hannggang sa New Zealand.
-Ang
pangngalang Polynesia ay galing sa mga katagang Griyego na polus na
nangangahulugang "marami" at nesos na nangangahulugang "pulo"
-Sakop
nito ang malaking triyangulong teritoryo mula sa Hawaii sa hilagang-silangan,
patungo sa Easter Island sa timog-Silangan, at sa New Zealand sa kanluran.
-Dito
makikita ang pulo tulad ng Fiji,Samoa,Tonga,
at Tuvalu.
"Micronesia"
-Ang
Micronesia ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas.
-Halaw
ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na mikros na
nangangahulugang "maliit" at nesos na
nangangahulugang "mga pulo"
"Melanesia"
-Ang
rehiyon ng Melanesia ay matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko.
-Halaw
ang pangalan nito sa katagang Griyego na melas na ibig
sabihin ay "maitim" at nesos na
nangangahulugang "mga pulo"
-Tinitirahan
ng mga taong maitim ang balat ang pulo ng Melanesia.