-Kabihasnan ng Mesopotamia-
-sibilisasyon
-mahina ang pag-unlad
-Matatagpuan sa Timog-kanluran
Ang Mesopotamia ay pinapapalibutan ng dalawang ilog; Ang ilog Tigris at Euphrates
"Ilog Tigris" |
"Ilog Euphrates" |
-Ang Mga Unang Imperyo-
"Akkadian"
"Sargon the Great"
-Humina ang kakayahan nilang pangalagaan ang kanilang mga teritoryo dulot ng madalas na pakikidigma ng mga lungsod-estado ng Sumer sa isa't isa.
-Nagtagal ang imperyo ng mahigit 200 taon.
"BABYLONIAN"
-Isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia sa pagsapit ng 2000 BCE.
-Sila ang Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon(pintuan ng langit). |
"ASSYRIAN"
-Sinakop ng mga Assyrian ang mga lupain sa Mesopotamia,Egypt, at Anatolia sa loob ng 850 hanggang 650 BCE.
-Nag-alsa ang kanilang sinasakupang mamayan dulot na rin ng kanilang kalupitan kaya ang imperyo ng mga Assyrian ay hindi rin nagtagal.
-Tuluyan nang nagwakas ang imperyo ng mga Assyrian nang talunin ito ng puwersa ng mga Chaldean sa pagsapit ng 612 BCE.
"CHALDEAN"
-Itinatag ng mga Chaldean ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon sa pagkatalo ng mga Assyrian.
-Pinagawa ni Nebuchadnezzar (Hari ng Chaldean) dahil sa kanyang ipinagawa niyang Hanging Gardens na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the World.
-Kabihasnan sa Egypt-
Mga Lokasyon sa/ng Egypt
-napapalibutan ng mga disyerto.
-Silangan - Disyerto ng Sinai
-Timog - Disyerto ng Nubia
-Kanluran - Disyerto ng Sahara
Noong unang panahon ang kalendaryo ng mga taga Ehipto ay nakabase sa Bituin ng Sirius.
-Bituin ng Sirius-
May mga iba't ibang mga Paraon ang mga taga Egypt noon ang Paraon ay tinatawag din na "Oinuno" na itinuturing din na kanilang Diyos na bumaba galing sa langit.
"MENES"
-Namumuno noong 3100 BC.
-Itinatag niya ang kabisera ng Memphis.
-Itinaguyod ang unang dinastiya sa Egypt.
Noong 2600 na taon nagkaroon ng 31 dinastiya kaya hinati ito sa Lumang Kaharian,Gitnang Kaharian at Bagong Kaharian.
"Piramide"
-Ang piramide ay isang lugar na mga libingan ng mga Paraon.
-Ang unang Piramide ay ang Piramide ni Djoser na bai-baitang disenyo na matatagpuan sa Saqqara.
-Gitnang Kaharian-
-Tinatawag din na "Panahon ng Maharlika"
"MENTUHOTEP"
-Pinalakas niya ang sentrlisadong pamahalaan at kalakalan.
-Nakipag-ugnay ang Ehipsiyo sa Syrian(cypress,lapis,Lazuli atbp).
-Bagong Kaharian-
(Panahon ng Imperyo)
"AHMOSE I"
-Nagpatalsik sa mga Hykus.
-Sinakop niya ang Nubia at Canaan.
"REYNA HATSHEPSUT"
-Unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt sa loob ng 19 na taon.
"THUTMOSE III"
-Humalili kay Reyna Hatshepsut.
-Sinakop ang Ehipsiyo hanggang Ilog Euphrates sa silangan at hanggang sa Timog ng Nubia.
"TUTANKHAMUN"
-Ang pinakabatang Paraon.
-Ang kanyang pagkamatay ay isang malaking misteryo hanggang ngayon.
-Ang hawak niya sa kaliwa ay tinatawag na "Crook" sa kanan naman ay "Flail"
-RELIHIYON-
Horus-Diyos ng Liwanag |
-Naniniwala sila na kapag patay na hinuhusga ka kung saan ka mapupunta sa; Mangangain ng kaluluwa o sa Paraiso.
"HIEROGLYPHICS"
-Ang sistema ng kanilang pagsusulat-
"HIEROGLYPHICS"
-Ang sistema ng kanilang pagsusulat-
"Papyrus Reeds"
-Ginagamit nila ito upang sukatin ang kanilang mga lupain at sa pagbibilang ng buwis at iba't iba pang mga produkto.
-Kabihasnan sa India-
-Kabihasnan sa India-
Heograpiya: Sa hilagang bahagi ng sub-kontinente ng India sumibol ang isang kabihasnan na matatagpuan sa lambak-ilog ng Indus. Sa hilaga ng lambak-ilog ay nakapaligid ang kabundukan ng Hindu Kush,Karakoram,at Himalaya na pinagmumulan ng tubig ng ilog.Panagigitnaan naman ng Disyerto ng That sa silangan at ng mga bulubundukin ng Sulayman at Kirthar sa kanluran ang matatabang kupain na pinamahayan ng mga tao.
"Pananalampalataya ng mga Aryano"
-Tampok na pinaunlad ng mga Aryano ang pananampalatayang Hinduismo. Sa simula,magkataliwas o magkaiba ang paniniwalang diyos ng mga Aryano at ng kanilang mga nasasakupang Drabidyano.
-Hinduismo ang kanilang pananampalataya.
"Ang Buddhismo"
-Si Siddharta Gautama na kabilang sa pamilya ng naghari sa Kapilavastu na matatagpuan sa kasulukuyang Nepal ay ang nagturo ng Buddhismo sa India.
"Imperyong Maurya"
-Noong 321 BCE,kinilala bilang hari ng Magadha(sa hilagang India) si Chandragupta Maurya. Siya ay isang pinunong militar na nagpatalsik sa pamilyang Nanda na naghahari noon sa Magadha. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, pinalaki niya ang sakop ng kaharian at itinatag ang imperyonh Maurya. Pagsapit ng 303 BCE, nasakop na ng imperyo ang kabuuan ng hilagang India.
"Imperyo ng Gupta"
-Makalipas ang 500 taong kaguluhan at digmaan,mayroong muling lumitaw na mahusay na pinuno sa kaharian ng Magadha. Siya ay si Chandra Gupta na nagtatag ng imperyonh Gupta noong 320 CE.
-Mula kay Chandra Gupta at sa mga humaliling hari pagkatapos niya,nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.Muling tumatag ang pamahalaan at lumawak pa ang teritoryo ng imperyo.Sinasabing sa panahon ng imperyong Gupta,nakaranas ang India ng isang ginintuang panahon sa matematika,agham at panitikan.
-Kabihasnan ng China-
"Mga Unang Dinastiya"
Dinastiyang Hsia: Ayong sa tradisyonal na kasaysayan ng China, pinag-isa ng dinastiyang Hsia ang mga pamayanan sa paligid ng Huang Ho. Ang unang hari nito ay si Yu na isang inhinyero at matematiko.
Yu |
Dinastiyang Shang: Pumalit sa dinastiyang Hsia ang dinastiyang Shang noong 1500 BCE. Ang tatlong pangunahing katangian ng paghahari ng mga Shang ay ang pag-uumpisa ng pagsulat,kaalaman sa paggamit ng bronse, at ang pag-aantas sa lipunan.
-May sistema ng pagsusulat ang dinastiyang ito subalit itinatala sa mga piraso ng kawayan kaya hindi nagtagal. Ang tanging ebidensiya ng kanilang sistema ng pagsulat ay mila sa Oracle bones.
Shang |
Dinastiyang Zhou: Napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang Shang bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala at ipinagpatuloy nila ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit" na ang hari ang kinikilalang kinatawan ng langit sa mundo noong taong 1027 BCE.
Zhou |
Dinastiyang Qin: Ang dinastiyang Qin na pumalit sa dinastiyang Zhou ang nagtagumpay sa kanilang digmaan. Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi na nangangahulugang unang emperador.
Qin o Shi Huangdi |
-Iba Pang Kabihasnan sa Asya-
-Umabot ang mga ito sa rurok ng kapangyarihan bilang mga sentro ng pamamahala at kalakalan ang mga kabihasnan ng mga Hitito,Phoeneciano at Persyano.
"Ang mga Hitito"
-Nagmula sa mga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. Noong 1650 BCE,nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang kabisera ang lungsod ng Hattusass. Sa loob ng 450 taon, naging makapangyarihan ang mga Hitito sa Kanlurang Asya.
-Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito, una na rito ay ang paggamit nila sa mabibilis na chariot at ang ikalawa ay ang kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing mga espada atbp.
"Ang mga Phoeniciano"
-Ang mga Phoeniciano ay kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko na nananahanan sa mauunlad na lungsod-estado sa may baybaying ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang manggagawa ng barko,manlalayag at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may daungan tulad ng Sidon,Tyre,Beirut, at Byblos.
"Ang mga Persyano"
-Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng kasalukuyang Iran. Kabilang ang mga Persyano sa lahing Indo-Aryano.
-Ang mga Kabihasnan sa America-
-Matatagpuan ang mga kontinente ng North America at South America sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan, Ang Karagatang Pasipiko at Karagatang Atlantiko.
-Ang mga pinuno nila ay nagpatayo ng mga templo na hugis piramide at sa tuktok ng mga templong ito nagaganap ang mga seremonyang panrelihiyon.-Tinatawag na Olmec o mga taong goma ang mga pamayanan na naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1200 BCE. Sinasabi na ang kabihasnan ng mga Olmec ang base culture ng America dahil ang kanilang mga naimbento at nilikhang kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga sumunod na kabihasnan.
"Ang mga Teotihuacano"
-Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga Diyos" o Teotihuacan. Ang Teotihuacan ay kinilala bilang unang lungsod sa America mula 100 CE, ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka,artisano,arkitekto, at musikero.
-Mapayapa ang pamumuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro lamang sa pagsasaka,kalakalan at relihiyon.
-
"Ang mga Mayan"
-Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang mga diyos. Mula ritoo, lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsod tulad ng Tikal,Copan,Uxmal, at Chichen Itza na matatagpuan sa katimugang Mexico at sa Gitnang America.
-Nahahati sa apat na antas ang lipunan ng mga Mayan. Nasa pinakamataas na antas ng lipunan ang mga maharlika na namamahala sa mga mamayan ng lungsod.
"Halach Uinic"
-Ang Halach Uinic ay ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo.
"Ang mga Aztec"
-Nagmula sa hilagang Mexico ang nomadikong Aztec na kilala rin sa tawag na Mexica.
-Noong 1200,nagsilbi ang mga Aztec bilang mga sundalo sa maliliit na lungsod-estado sa lambak ng Mexico.
-Noong 1325, nang maitatag ng mga Aztec ang kanilang kabisera sa Tenochtitlan,unti-unti nilang sinakop ang mga kalapit na kaharian.
-Sa pagsapit ng ika-15 siglo,ganap nang napasailalim sa imperyong Aztec ang kabuuan nang napasailalim na imperyong Aztec , ang kabuuan ng gitnang Mexico, mula DAgat Caribbean hanggang Karagatang Pasipiko.
"Ang mga Inca"
-Nagsimula sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco ang mga Inca.
-Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakupan ng mga Inca at nakabuo sila ng isang imperyo na ang pangngalan ay Tahuantinsuya(Land of the Four Quarters) ang itinawag ni Pachacuti Inca ang imperyo na ito.
-Kabihasnan sa Africa-
-Maliban sa Egypt, may mga sumibol pang kultura at kabihasnan sa Africa. Isa sa mga sinaunang kultura ay ang mga taong Nok na nanirahan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200 CE.
Nok -Ang mga Nok ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng pagpapanday ng bakal sa bahaging iyon ng Africa. Lumikha rin sila ng mga kasangkapan gamit ang luad,kahoy at mga bato. |
"Ang mga Kushite"
-Sa katimugan ng Nubia matatagpuan ang imperyo ng Kush. Bagama't pinangharian sila ng mga Ehipsiyo mula ika-16 at ika-15 siglo BCE.
-Unti-unti nilang nakamit ang kanilang kalayaan mula sa Ehipsiyo..
-Pinalakas pa nila ang kanilang hukbo kaya nasakop nila ang Egypt noong 751 BCE.
-Tinalo sila ng mga Assyrian kaya naging maikli lamang ang natamasang tagumpay ng imperyo ng Kush.
"Ang mga Aksumite"
-Tinawag na Cosmopolitan ang kanilang kultura sanhi ng kanilang pakikipag-ugnayan at pagiging bukas sa impluwensiya ng mga dayuhan.
-Ang pagkakatatag ng kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ng Reyna ng Sheba at ni Haring Solomon ng Israel , ayon sa alamat.
-Sa larangan ng pagsasaka ay nagpakita rin sila ng kahusayan.
"Ang mga Imperyong Pangkalakalan"
Ang kalakalan ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, lumago ang mga pamayanan sa africa na naging mga imperyo. Ito rin ang nagsilbing paraan upang ikalat ang relihiyon,sining,edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.
"Ang Ghana"
-Ang mga mamayanan ng Ghana ay tinatawag na Soninke.
"Soninke"
-Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Soninke ay ang pagsasaka at pagpapanday.
-Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil sa lokasyon nito bilang isang sangandaan ng kalakalan sa Africa.
"Ang Mali"
-Tapmg 1235 nang lumitaw ang kaharian ng Mali mula sa anino ng Ghana.
"Sundiata"
-Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata.
-Sa pamamagitan ng digmaan, nasakp niya ang kaharian ng Ghana at mga lungsod ng Kumbi at Walat.
-Pinatunayan niya na hindi lamang siya mahusay sa digmaan kundi pati na rin sa pamamahala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento